isang maiksing-maiksing kwento
ito yung isa sa mga pinakabuong kwentong nakita ko sa unang pasada ng konsultasyon. si jedi directo ang nagsulat nito.
Kabisado ko na ang bayan nang nakapikit—sa bawat ikot ng pedal, tantsa ko na kung kailan dapat lumiko o huminto. Hindi ko ito gagawin ngayon—kahit kailan. Mahirap na kasi—baka mabangga.
Pamilyar ang sakay ko, may kamukha kasi siya—isang pasahero ko dati. Madalas niya akong napapara tuwing labasan noon ng mag-aaral. Tuwing lulan ko siya, ang gaan ng mga pedal, ang liit kasi niya kumpara sa ibang bata. Natuwa naman ako, dahil paakyat ang lugar nila. Kapag bumaba na siya sa matingkad na geyt, hindi ko na kailangang i-pedal ang biyahe pababa.
Magkasing-laki sila ng pasahero ko ngayon, ngunit hindi na magaan ang mga pedal—pataas pa naman ang lugar.
Pumara siya sa tapat ng isang geyt—hindi na ito matingkad. Bumaba ang bata at pinagbuksan siya ng isang lalaki. Nagkatinginan kami. Ngumiti siya, tinaas ng saglit ang palad sa akin—tumango siya para papasukin ang bata.
Ngumiti ako habang sinara niya ang geyt, hindi na ako nagpedal pabalik.
2 Comments:
yey!!!ngayon ko lang naintindihan kuwento mo, Master Jedi!life-changing...ehe.('sensya na, medyo sabog utak ko 'nun konsultasyon, 'di ko tuloy na-enjoy mga kuwento niyo...haay...pero natuwa ako sa suhestiyon na dapat bugbugin 'yun ampong kalaro at sa issues ni Rizelle, at kung paano mo ipinaglaban na ganyan na talaga ang kuwento mo...sweet)
at nakakatuwa, pinost pa ni ser (Yoda ng MPs10)sa blog. awwww...
love yah, jedz!
- goya
6:07 PM
ganda...
6:22 PM
Post a Comment
<< Home