Tuesday, October 04, 2005

pan pil 17: final exam

Pan Pil 17 Final Exam (Ser Vlad Gonzales)

A. 50 lebel ng Kulturang Popular (50 pts)

Pag-ugnay-ugnayin ang inyong buong pangalan, nickname at paboritong kulay sa 47 pang pangalan na nasa listahang ito:

Rivermaya, Milkshake, African Americans, Shirley, Joy Luck Club, Tekken, Ely Buendia, Shirley Fuentes, Romnick Sarmienta, David Lynch, The Ring, I Heart Huckabees, La Visa Loca, Notting Hill, Regine Velasquez, Fantastic Four, Video Killed the Radio Star, Vilma Santos, Buddha Beads, Punk Goes Pop, Viveca Babaji, Guess, Bakya mo Neneng, Lawiswis Kawayan, Jose Rizal, Biolink, Jollibee, Astring-o-Sol, Jao Mapa, The O.C., LimeWire, Donita Rose, Iglesia ni Cristo, UP Diliman, Pepsi, Chipee, E-load, You’ve Got Mail, Sadako, Hero Angeles, Viva Hot Men, Starstruck, Cinderella, Chowking, Skateboard, Computer, Boracay, Ethel Booba, Recordable CD, Yes FM, Erap Jokes, AMA Jokes, Spongebob Squarepants, Pilipinas Game KNB, Belle and Sebastian, Beachboys, A Walk to Remenber, Harry Potter, Enchanted Kingdom, Infomercials, Pops Fernandez, Barbie, SST, Ateneo, Vic Zhou, Krystala, FHM, Tobey Maguire, Kapamilya, Independence Day, The Beatles, Afro, Starbucks, Bul-ol, Extra Challenge, Liza Minelli, Bambini, San Miguel Beer, Yes, Twisted, Zoids, Polaroids, Hello Kitty, Keempee De Leon, Wizard of Oz, Wowowee, Kitchie Nadal, Lactacyd, Hawk Bag, Power Puff Girls, Captain Barbell, Teenage Mutant Ninja Turtles, PS1, Shakey’s, Geno, Dubai, Paula Abdul, God

Lagyan ng numero ang bawat item na maisasama sa listahan. Isusulat ito sa anyong patalata. Halimbawa: “Si Vladimeir B. Gonzales (1) ay kasapi ng simabahang Iglesia ni Cristo (2) na may palabas sa ABS-CBN o kapamilya (3) channel…” hanggang sa umabot ng 50 items ang naisulat (huwag nang gayahin ang halimbawa. Tandaan, buong pangalan, nickname at paboritong kulay ninyo (3 pts na yun) + 47 items mula sa listahang nasa silabus. May halimbawa ng listahang makukuha sa xeroxan sa may 2nd floor ng UP Faculty Center.

B. Pumili ng alinman sa mga tanong na nasa listahan. Kailangang tumumbas sa 50 puntos ang tanong o mga tanong na mapipili.

1. I-deconstruct ang pelikulang Jet Li: Unleashed/ Danny the Dog at ipaliwanag kung bakit ito isang magandang pelikula. (50 pts, may libreng film viewing nito sa Miyerkules, 5 Oktubre 2005, sa CNB 4th floor. 9:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon ang schedule ng panonood).
UPDATE: bukod sa Unleashed, may opsyon na ring manood ng Super B, sa 6 Oktubre pa rin ang film viewing.
2. Ano ang malaking papel ng mga manunulat at ng panitikan sa pagtalakay sa mga isyu ng kulturang popular? (20 pts)
3. Paano/ kailan mababalanse ang panig-intelektuwal at panig-popular patungo sa pagbuo ng isang lipunang mapagpalaya? Kailan dapat maging maka-popular at kailan dapat maging maka-intelektuwal? (20 pts)
4. Sa tingin mo, ano ang pinakamalaking problema ng kulturang popular sa Pilipinas? (15 pts)
5. Talakayin ang konsepto ng kontra-kultura sa kasaysayan at sa iba pang aspekto ng lipunang Filipino. Iugnay ito sa kulturang popular. (15 pts)
6. Pumili ng isang sikat na personalidad sa Philippine TV at talakayin siya ayon sa proseso ng deconstruction. (10 pts)
7. Base sa mga natalakay sa klase, saan kaya maaaring nakaugat ang pagkakabuo ng konsepto ng jologs? Bakit kailangang magkaroon nito? (10 pts)
8. Sa usapin ng kulturang popular sa Pilipinas, masaya ka ba? Bakit? (10 pts)
9. Gamitin ang konsepto ng culture industry at commodity fetishism para ipaliwanag at talakayin ang pagsikat ng isang lokal na banda sa kasalukuyan. (10 pts)
10. Bakit binabatukan at inaalispusta si Diego ng Bubble Gang sa TV? (5 pts)
11. Bakit may Viva Hot Men at Viva Hot Babes? (5 pts)
12. Sa tingin mo, bakit kaunti ang pelikulang nagtatampok sa mga relasyong babae sa babae, lalo na sa Pilipinas? (5 pts)
13. Bakit sikat ang Pinoy Big Brother? (5 pts)
14. Magbigay ng pangit na patalastas (5 pts)
15. Popular ka ba? Paaano? Bakit? (5 pts)

Sa Biyernes, 7 Oktubre 2005, 1:00-5:00 sa FC 3010 ang pasahan ng exam. Ilalagay sa isang bluebook ang lahat ng sagot.

2 Comments:

Blogger yayik said...

Sir Vlad, nagpass ako ng exam sa pigeon hole nyo. Dumating po ako kanina wala na po kayo sa room kaya dun ko na lang po nilagay.
-Jayson M. Pagtalunan panpil17-TFR1

9:46 PM

 
Blogger vlad said...

nasa fc 3010 ako hanggang 5:20 (kahit na 5:00 ang deadline) kaya ewan ko kung bakit sa pigeonhole nakalagay ang exam na yan.

12:03 PM

 

Post a Comment

<< Home