Diskoneksyon sa Panitikan
Maipakikita ang diskoneksyon sa panitikan, o ang paghiwalay sa mga itinakdang kaayusan sa larangan ng pagsusulat, sa iba’t ibang paraan:
1. Sa Gramatika/ Balarila (hal: paggamit ng bantas, pagpili ng mga salitang gagamitin, paglalagay ng malaking titik, pagbubuo ng mga pangungusap atbp.)
2. Sa Genre (paghahalu-halo ng mga elemento ng kuwento, dula, tula, sanaysay, at iba pang mga anyo ng sining tulad ng litrato o painting, tunog, sayaw, at maging mga anyong di itinuturing bilang sining, tulad ng recipe, horoscope, liham)
3. Sa anyo (pagsira sa mga tinatanggap na konsepto ng banghay, imahen, organikong kaisahan, pananalinghaga, wika, tono, pag-unlad ng tauhan)
Ang Lohika ng mga Bula ng Sabon
Luna Sicat
Paano hahanapan ng saysay ang isang akdang parang nanlulunod sa detalye o nagpapaulan sa imahen?
--maaaring simulan sa lantad o nakikitang detalye (manifest), himayin ang mga ideya o pagpapalagay na may kaugnayan sa isang anyo ng kaayusan at tingnan kung paano ito sinisira o kinukuwestiyon, saka pagtahi-tahiin ang mga mahihimay na mensahe at iugnay naman ito sa mga di-lantad o tagong detalye ng akda, ang mga bahaging tahimik (latent)
Mga Tauhan:
Persona
· May kaibigang hindi nakikita ng iba (Sandali); nagkaroon din ng imaginary friends noon
· Nakikipagsiping kay Sandali
· Humihiling ng katahimikan imbes na masayang pamilya
· Iniisip na mangmang pa siya dahil hindi pa lubusang nauunawaan ang iba’t ibang konsepto tulad ng Diyos, katahimikan, at pang-unawa mismo
· Mag-isang namumuhay sa Quezon City
· Bumibisita sa mga magulang pero hindi regular
· Bangag daw mag-isip, weird
· Pitik nang pitik mag-isip, parang camera
· Masyadong mabilis at kakaiba mag-isip, pero itinatago naman ito sa iba
· Pinaglalaruan ang konsepto ng amoy; lahat ng tao ay may amoy
· Regla bilang paraan ng paglilinis ng kasalanan, ang paghuhugas ng regla ay paghuhugas ng kasalanan niya; ritwal ng pagmamalinis
· Pinag-iisipan kung kasalanan ba ang pagsiping kay Sandali
· May mga supling ni Sandali, dumarami at nagiging kamukha niya, nginangatngat ang kisame ng utak niya
Sandali
· Imaginary friend ng Persona
· Walang pamilya, walang permanenteng tirahan, wala ring tiyak na pangalan maliban sa itinakda ng persona
· Basta-basta na lang sumusulpot
· Ang tanging nilalang na nakakaalam ng amoy ng persona
· Masarap humalik, dilat, parang kumakagat ng bayabas na ninakaw sa isang kamag-anak
· Nireregla rin, tulad ng persona
· Marunong makisama sa lahat, pakalat-kalat
· Parang daga kumilos, mabilis at di puwedeng balewalain
· Pinagmumulan ng libog ng persona, palaging hinahanap-hanap ng persona
Mga Usaping Pinalalabo, Sinisira o Kinukuwestiyon ng Persona
· Pagsiping, Pakikipagtalik, Libog
· Pamilya, ang pagbuo nito at ang pagkakatali ng isang tao rito
· Tahimik na buhay vs. buhay ng isang babaeng may asawa’t mga anak
· Relasyon sa mga kamag-anak
· Reyalidad at kathang-isip
· Pagiging weird o kakaiba
· Pagsunod sa mga ekspektasyon ng lipunan, pagsunod sa tinatawag na ‘normal’
· Pagkilala sa mga indibidwal na katangian
· Kasalanan, paghuhugas ng kasalanan
· Pag-angkin, pagbibigay-kulay, pagbibigay-kahulugan, pagbibigay ng pangalan
· Pagkilala sa mga salik tulad ng kamatayan, panahon, atbp.
· Simbahan, relihiyon, kabanalan, pagiging banal
· Pagkabagabag at pagkaligalig
· Mga anino, liwanag
· Sandali, katahimikan, paraiso
Subukang ilapat ang usapin ng diskoneksyon. Saang mga askpeto humihiwalay ang persona? Ano ang implikasyon ng pagnanais na humiwalay sa isang lipunan? Anong mga posibleng tema ang makukuha rito?