pan pil 17: gabay sa pagbabasa ng kuwento ni luna sicat cleto
Diskoneksyon sa Panitikan
Maipakikita ang diskoneksyon sa panitikan, o ang paghiwalay sa mga itinakdang kaayusan sa larangan ng pagsusulat, sa iba’t ibang paraan:
2. Sa Genre (paghahalu-halo ng mga elemento ng kuwento, dula, tula, sanaysay, at iba pang mga anyo ng sining tulad ng litrato o painting, tunog, sayaw, at maging mga anyong di itinuturing bilang sining, tulad ng recipe, horoscope, liham)
3. Sa anyo (pagsira sa mga tinatanggap na konsepto ng banghay, imahen, organikong kaisahan, pananalinghaga, wika, tono, pag-unlad ng tauhan)
Ang Lohika ng mga Bula ng Sabon
Luna Sicat
Paano hahanapan ng saysay ang isang akdang parang nanlulunod sa detalye o nagpapaulan sa imahen?
Mga Tauhan:
Persona
· May kaibigang hindi nakikita ng iba (Sandali); nagkaroon din ng imaginary friends noon
· Nakikipagsiping kay Sandali
· Humihiling ng katahimikan imbes na masayang pamilya
· Iniisip na mangmang pa siya dahil hindi pa lubusang nauunawaan ang iba’t ibang konsepto tulad ng Diyos, katahimikan, at pang-unawa mismo
· Mag-isang namumuhay sa
· Bumibisita sa mga magulang pero hindi regular
· Bangag daw mag-isip, weird
· Pitik nang pitik mag-isip, parang camera
· Masyadong mabilis at kakaiba mag-isip, pero itinatago naman ito sa iba
· Pinaglalaruan ang konsepto ng amoy; lahat ng tao ay may amoy
· Regla bilang paraan ng paglilinis ng kasalanan, ang paghuhugas ng regla ay paghuhugas ng kasalanan niya; ritwal ng pagmamalinis
· Pinag-iisipan kung kasalanan ba ang pagsiping kay Sandali
· May mga supling ni Sandali, dumarami at nagiging kamukha niya, nginangatngat ang kisame ng utak niya
Sandali
· Imaginary friend ng Persona
· Walang pamilya, walang permanenteng tirahan, wala ring tiyak na pangalan maliban sa itinakda ng persona
· Basta-basta na lang sumusulpot
· Ang tanging nilalang na nakakaalam ng amoy ng persona
· Masarap humalik, dilat, parang kumakagat ng bayabas na ninakaw sa isang kamag-anak
· Nireregla rin, tulad ng persona
· Marunong makisama sa lahat, pakalat-kalat
· Parang daga kumilos, mabilis at di puwedeng balewalain
· Pinagmumulan ng libog ng persona, palaging hinahanap-hanap ng persona
Mga Usaping Pinalalabo, Sinisira o Kinukuwestiyon ng Persona
· Pagsiping, Pakikipagtalik, Libog
· Pamilya, ang pagbuo nito at ang pagkakatali ng isang tao rito
· Tahimik na buhay vs. buhay ng isang babaeng may asawa’t mga anak
· Relasyon sa mga kamag-anak
· Reyalidad at kathang-isip
· Pagiging weird o kakaiba
· Pagsunod sa mga ekspektasyon ng lipunan, pagsunod sa tinatawag na ‘normal’
· Pagkilala sa mga indibidwal na katangian
· Kasalanan, paghuhugas ng kasalanan
· Pag-angkin, pagbibigay-kulay, pagbibigay-kahulugan, pagbibigay ng pangalan
· Pagkilala sa mga salik tulad ng kamatayan, panahon, atbp.
· Simbahan, relihiyon, kabanalan, pagiging banal
· Pagkabagabag at pagkaligalig
· Mga anino, liwanag
· Sandali, katahimikan, paraiso
Subukang ilapat ang usapin ng diskoneksyon. Saang mga askpeto humihiwalay ang persona? Ano ang implikasyon ng pagnanais na humiwalay sa isang lipunan? Anong mga posibleng tema ang makukuha rito?
5 Comments:
this really helps.
3:04 PM
ah basta maganda ang Lohika.. ü
4:29 PM
Ayon sa propesor ko sa panpil 19,sa mga panaho ng kasama niya si Sandali ay nag-mamasturbate siya..kung saan nararating niya ang ibang mundo kapag kasama niya si Sandali.
Ang sandali na maliit na titik "s" ay tumutukoy sa panahon.
siguro nga't may iba't ibang interpretasyon ang tao sa mga kwento.
10:29 PM
Sobrang ganda at husay ng mga ginamit niyang metapora sa kwentong ito.
10:31 PM
Ayon sa propesor ko sa panpil 19,sa mga panaho ng kasama niya si Sandali ay nag-mamasturbate siya..kung saan nararating niya ang ibang mundo kapag kasama niya si Sandali.
Ang sandali na maliit na titik "s" ay tumutukoy sa panahon.
siguro nga't may iba't ibang interpretasyon ang tao sa mga kwento.
10:32 PM
Post a Comment
<< Home