Wednesday, December 29, 2004

kom2: mga nilimitahang paksa

mula sa dalawang seksyon ng kom2, ito ang listahan ng nilimitahang paksang may potensyal na maging isang mainam na sulating pananaliksik. hindi pa ito perpekto, karamihan ay nangangailangan pa ng karagdagang paglilimita, ngunit malinaw sa mga paksang ito (at sa mga indibidwal/ pares/ grupong nakaisip nito) ang mga sumusunod: pagiging malapit sa interes o/ at larangan ng mananaliksik, pagkakaroon ng kamalayan sa kung anong direksyon ang nais na puntahan ng pananaliksik (may punto na silang nais patunayan o di patunayan, at makikita ito sa paksa), pagkakaroon ng konsepto ng paglilimita (kahit hindi pa kumpleto), ay higit sa lahat, pag-intindi at pagkakaroon ng oryentasyong pilipino ng mga nakaplanong pananaliksik.

basahin ang listahan, alalahanin ang ginawang sariling listahan ng mga paksa (kung mayroon na), paghambingin at tingnan kung ano pa ang maidaragdag o maibabawas sa inyong mga nakaplanong paksa.

1. Pagkawala ng kahalagahan ng Bul-ul, Tinalak, mga katutubong yaman

2. Computer Gaming: Pagsusuri ng epekto nito sa sikolohikal na aspeto ng mga Pilipino

3. Ang epekto ng mga ukay-ukay sa preperensya ng pagbili ng mga damit ng mga Pilipino

4. Bakit mapait ang asin? (Isang diskurso sa buhay ng mga mang-aasin)

5. Dapat bang gawing legal ang paggamit na panggamot ang marijuana sa loob ng ating bansa?

6. Ang chess bilang isang makasaysayang larangan na nilalaro at ipinagmamalaki ng sambayanang Pilipino sa sariling bansa at pati na rin sa ibang bansa

7. Impluwensya ng Chinovelas sa pag-aayos ng sarili ng kabataan sa Metro Manila

8. Ang mga mamamahayag na mag-aaral sa sekundarya at ang kinabukasan ng pampaaralang pahayagan sa lalawigan ng Quezon: 2000-2004

9. Ang malaking epekto ng mga pelikulang nakatatakot ng mga Hapon sa pamumuhay ng mga tao sa Metro Manila sa taong 1999-2004

10. Impluwensya ng peminisasyon ng migrasyon sa mga pamilyang Pilipino sa Metro Manila: kaso ng apat na pamilya

0 Comments:

Post a Comment

<< Home