mp 10: ilang mga bagong tula't mga bagong makata
sino kaya sa mga bagong dugong ito ang magpapatuloy sa pagsusulat? abangan.
Pilit ko mang maging bibo
Pero naging basag-ulo
Mahilig kasi mamboso
Sa babaeng puro suso.
(Ryan Joseph Villamael)
***
Nang Pasko ay sumapit
Si Inay ay pinilit
Maya't maya'y humirit
'Nay bil' mo 'ko ng ipit!
(Jamie Anne Mismanos)
***
Matatanggap mo kaya
Ang hindi nakikita
Dahil sa nahihiya
Ang iyong tagahanga
(Nikki John Segurida)
***
'Pag umiyak ang langit
Ulap ay 'di matahimik,
'Di mapigilang maidlip
Ng pusong may hinanakit.
(Diana Rodil)
***
Alas-syete na pala
Ang pamilya'y nasa sala
Tawagin mo si Lola
Me bagong telenobela
(Lucia Edna P. De Guzman)
***
Likas na ating pangarap
Ang makarating sa ulap
Ibang klase itong sarap
Ng hangin 'pag nalalanghap
(Rafael Camacho)
***
Inalon na ng dagat,
Nalunod na nang ganap,
Pag-ibig kong naduwag,
Na dati'y nag-aalab.
(Beverly Kim C. Fernandez)
***
Mapagmahal si ama
Ako'y hinahagkan niya
Subalit ako'y nagtaka
Bakit t'wing wala si ina?
(Mark Daryl A. Atienza)
***
Sa mga umaasa
Talo lagi ang masa
Dahil d'on pinapasa
Ang pangit na panlasa
(Maiden B. Espino)
***
Ginto na sinaplutan
Ng luwad at kalawang
Sa pugon ng hurmahan
Litaw ang katibayan.
Naghahanap ang bubuyog
Mapulang mapupulupot
Kahit na tinik ang kuyog
Ng matamis na kampupot.
Minsan kapag itinuturok
Ng pana ang iyong batok
Kahit malayo ang turok
sa puso, tuloy ang kirot.
Mga pintig ng damdamin
Sa huli't huli'y aamin,
Sa pagharap ng salamin
At hiling ng panalangin.
(Janno E. Vergara)
***
Sa kalye may baratilyo
Nag-mistulang mga trumpo
Mamiso man o tig-singko
Opyo para sa mag nobyo
(Gabrielle Marguerite T. Vicente)
***
Ang isip puno ng likha
Minsan kahit hindi tugma.
Natatapos din ang tula
Sa pait ng pigang dagta.
***
Paalam, pugitang itim
limutin ang dating lihim
bunto't ko'y abot ang lalim
luningning ng takip-silim
(Xeres Tanya H. Villanueva)
***
Si Juang maninisid
Kay Bella ay nanilip
Naglalaro ang isip
Tumutulo ang pawis
Alaalang may lamat
Nilunod ko sa dagat
Sa ihip ng habagat
Binabalik ang alat
(Anjoneil Ereno)
***
sa kumpas ng panahon
nakasilid sa kahon
lipad ng dahon-dahon
masilayan dili yaon.
(Wenthel Gay Uy)
***
Ang lupa ang aking paa,
Ang langit ang aking mata.
Inaalam kung sino ba
Ang siga mong sinisinta.
(Gary Barua)
***
Mga malikhaing kamay
Sobra sa pagkakahimlay
Tapat pero walang malay
Mga utos sinusuway.
(Jefferson V. Pascual)
***
Pagtaas ng pasahe
Isa lang ang mensahe
'Pag malapit ang b'yahe
Maglakad kahit "d'yahe!"
Puso ko ay nabighani
Sa magandang binibini
Na katapat ko sa dyipni
Patungong kalye Mabini
(Rizel Lynn Magno y Toledo)
***
may part 2 pa ito.
1 Comments:
san nyo po nakuha ung mga tula>lalo na ung kay JAMIE ANNE MISMANOS?
9:12 PM
Post a Comment
<< Home