mp 10: ilang mga bagong tula't mga bagong makata part 2
hindi ako naniniwala sa away, pero sabi nila mas magaling daw sila sa nauna. saka mas may mga hitsura.
at bago pa ako mag-imbento ng mga sabi-sabing imbento lang naman at talagang wala namang nagsabi, eto na po, mga tula ng ilan pang mga bagong makata. basahin at husgahan.
***
Hindi na nagsalita
Pero yun ang nakita,
Sa banggan ng hita,
At sa bali-balita.
(Kristoffer Ross C. Lorenzana)
***
Bulaklak na isang busal
Sa nalalapit na kasal
Ang tangi ko lang dasal
Hindi suntok ang almusal
(Rovelyn C. Camato)
***
Anak, ako'y may babala:
Ay, kayhirap maging mutya!
Pag pipi, ginagahasa,
Pag maingay, kinukutya.
Itago mo sa bato,
Dudurugin ng maso
At karit ang estado
Na sumusupil sa 'yo.
(Jennifer Anne M. Mendoza)
***
Nag-iingay ang tambay
Ginago raw ng bumbay
Pampawala ng lumbay
Sa asawa'y umimbay
(Stephanie C. Cirilo)
***
Mahirap ang umasa
Kapag hindi nagbasa
Blubuk hindi maipasa,
Bolpen ang minamasa.
(Charmaine P. Galano)
***
Ang lata ay hinarang
Sa mga nagdaraan.
Bawat baryang nakamtan,
Nagdurugtong ng buhay.
(Arnulfo M. Cabarles)
***
Narinig ko ang kahoy
Sa kanyang pananaghoy
Unti-unting nililipol
Ng mayabang na apoy
Pagmamahal ng ama
Paano madarama
Kung kasama sa kama
Ay hindi iyong ina?
(Precious B. Romano)
***
Dahan-dahang tumutulay,
Ang pinsel na may kulay,
Alaala ang siyang taglay,
Isip at puso ang balay.
(Dennen Jane S. Ringon)
***
Nag-iisip, nalilito
Damdaming pabago-bago
Ano ba talaga ako?
Seksing maganda o macho?
(Jonathan Christian Lerios)
***
Mapang-akit na hubog
Ika'y mapapasunod
Sa kanyang alindog
Sa sarap malulunod
(Jesus Dominic V. Dizon)
***
Bato man ay nilalamon
ng walang humpay na alon,
lumiit man sa paggulong,
mas kikinis pag-ahon!
Isang baso ng tubig,
sinadya kong matabig.
Dalaga ay kinabig...
bakit di napaibig?
(Adrian Raymund Fernandez)
***
Kurtina'y biglang sumayad
sa gasera, at umalab
ang apoy sa kanyang layag...
Sunog ang barkong may alak.
(Jolene Gatmaitan)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home