fil 11 VV--kilig part 2
ito naman ang pampakilig na ihinanda ni erika denise dizon:
Sa Likod ng Ulap
Bukas na ang aking kaarawan. Bakit tila hindi ako masaya? Nag-aaway kami ni Mama dahil hindi pa handa ang lahat parang wala daw akong paki sa dekorasyon, sa pagkain at kung ilang tao ang darating.
Hindi pa tapos ang aking damit na susuotin na pinagawa ni Mama noong nakalipas na buwan sa kulay na hindi ko naman talaga masyadong gusto dahil tuwing suot ay nagmumukha akong serena.
Hindi ko alam kung bakit wala akong gana. Kung bakit may kulang sa aking kaarawan. Kung bakit may hinahanap-hanap akong hindi naman matagpuan.
Siguo dahil alam kong hindi darating si Papa. Siguro dahil hindi uuwi ang aking mga kuya sina Alex at NIcky mula sa California. Siguro dahil pati ang pinakamatalik kong kaibigan na dito sa Pilipinas nakatira ay hindi makakarating sapagkat sabay ang aming kaarawan, sa huling araw ng Marso, at kinakailangan niyang sumama sa kanyang pamilya sa Subic.
Ang lahat ng ito ay sinubukan kong tanggapin sa aking kalooban. Halos lahat ay mabigat na tinanggap ng aking puso. Halos lahat ngunit hindi lahat.
Lumipas ang gabi at tuwing may tatawag sa aking pangalan, lumilingon akong umaasang Siya ang naghahanap sa akin. Sumisikip ang aking dibdib, pinipilit kong hindi mahulog ang luha dahil baka mahalata ng ibang tao ang aking totoong dinadamdam. May suot akong maskara ng kasiyahan mismo sa araw na dapat sana'y isa sa pinakamaligayang araw sa buhay ko.
Marami sa matatalik kong kaibigan ay dumating. Aangal pa ba ako? Hindi ba dapat ito'y sapat na?
Maganda lumabas ang pula at mga rosas na dekorasyon, hindi kumulang ang pagkain, mirakulong kumasya ang aking damit kahit hindi ako nagdiyeta at marami ang nagpunta. Marami nga pero sa kabila nito, wala pa rin Siya.
Limang segundo na lang. Tatlo...dalawa...isa. Alas dose na ng madaling araw. Tapos na ang aking gabi. Ako'y umaasa na darating pa rin Siya. Baka sakaling Siya ay makahabol kahit paano. Baka sakaling ako ay umaasa para sa wala.
Imposible na.
Nag-aalisan na ang mga tao. Ang sakit pala mabigo.
Ang pinakahuling umalis ay si Gabriela. Ang aking bespren at kababata. Yinakap niya ako ng mahimbing habang nagpaalam. "Huwag ka nang malungkot. Maghintay ka pa." Gusto ko siyang sapakin dahil sa kanyang payo na waring parang tanga. "Ano ka ba! Wala talaga Siya!"
Dahan-dahan siyang tumabi, at sa likod niya, bumukas ang pintuan.
Ako ay napatulala.
"Adrian."
Tama nga pala sila. Kahit sa huling sandali, kahit mukhang wala nang pag-asa, sa likod ng ulap...
Liwanag.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home